M.
Grade three pa lamang ako ay madalas nang marinig ang kanyang pangalan sa mga kwentuhang kusina, umpukan ng magkaka-baryo at maging sa radyo. May nagsasabing siya ay masama pero sa mga tao sa baryo, siya ay matuwid at maprinsipyong tao.
Sa murang edad, naitanong ko sa sarili sa aking sarili kung anong nagtulak sa taong ito na panghawakan ang ganoong tunguhin sa buhay + sana makilala man lamang siya
1996, dalawang buwan matapos magsimula ang pasukan ay may bisitang dumating sa eskwelahan. Ipinatawag ako ng prinsipal at ipinakilala sa kanyang bisita at nang marinig ko ang kanyang pangalan, medyo natulala. Kumbaga’y nastar-struck ang eksena ko habang kaharap siya. Sa bahagi ko, hindi ko inakalang ang taong madalas pag-usapan sa radyo at ng mga tao sa baryo ay makikilala ko ng personal. Pero sa totoo lamang, ang tangi kong naalala sa tagpong iyon ay ang pakikipagkamay niya sa akin at ang pagsasabing “kamusta eon?” at wala nang iba. Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng balita sa kanya hanggang sa noong 2004 ay isang masayang pangyayari ang naganap na labis kong ikinasiya.
Ang 2004 ay panahon ng eleksyon at bilang supporter ng isang progressive party list (PPL) ay sinikap talagang mag-contribute sa kampanya sa atleast baryo namin. Nagpadala ng campaign posters at sa tulong ng aking tatay ay naikabit niya ito mula sa sityo namin hanggang sa sentro ng baryo. Sa mg panahong iyong ay hindi pa nakakapunta ang campaign team ng PPL sa baryo kaya ganun na lamang ang kanilang pagtataka nang masilayan ang nagkalat na mga posters.
Kinausap ng campaign team leader ng PPL ang kakilala nya sa baryo upang matukoy kung sino ang nagdikit ng mga posters na kaagad namang tinukoy. So, eto na nagkakilanlan na si Tatay at ang campaign team leader ng PPL na walang iba kundi si M, ang popular na pangalan sa aming lugar, ang laging laman ng balita at ang nakilala ko noong 1996. Nakakatuwa na bagamat hindi man kami ang direktang nagkita ay nagagalak pa rin ako lalo na tuluy-tuloy pa rin ito sa pagtangan ng prinsipyong magsilbi sa bayan sa iba’t ibang paraan.
Hindi ko alam kung maaalala pa niya ang minsan naming pagkakakilala at pag kami ay nagkaroon ng oportunidad na magkita muli ay labis kong ikagagalak na ibahagi sa kanyang nasagot na ang matagal ko nang tanong noon kung anong nagtulak sa kanyang panghawakan ang ganoong prinsipyo sa buhay. Siempre mas happy kong idadagdag ko ang salitang “naniniwala ako sa prinsipyong iyon”.
Trivia lang, ang kakilala ni M sa baryo namin na siyang nagturo sa tatay ko na nagkabit ng poster ay si Tay Nene na bestfriend ng tatay simula pa noong kabataan nila + ang kapatid pala ni M ay naging kaklase ng tatay
