buhay at kabuhayang nakadepende sa ulan
Sa nagdaang buwan at mga araw ay halos walang patid ang malakas na buhos ng ulan at kung minsa’y panaka-nakang pag-ambon ng kalangitan. Buwan na nga pala ng Hulyo nagsimula na ring lumakad ang mga araw ng Agusto. Tag-ulan na talaga!
At siempre kung sa Maynila iyan, kaakibat ng walang humpay na pag-ulan ay ang pagbaha din ng mga major road sa Kamaynilaan na madalas na problema ng mga mamamayan nito dulot na rin ng discomfort na dala ng pagbaha. At tiyak, madalas na sambitin ng mga Manileño na sana wag nang bumuhos ng malakas na ulan ng sa ganun eh wala na rin si baha.
Kunsbagay, hindi ko naman sila masisi kung mas nais nilang tuyot na lang lagi ang panahon lalo na kung ang paghuhugutan nilang dahilan ay ang mga kasinungalingang anunsyo ng MMDA na nailarga na nito ang mga flood control projects at nabawasan na ang mga binabahang lugar sa Maynila.
Nakakainis naman talaga pag mga ganito ang eksena. Pero paumanhin na lang sa mga madalas bahain sa Maynila. Masaya kasi ako tuwing naulan. Bumabalik kasi sa aking alaala ang aking kabataan sa aming probinsya. Masaya kami at ang aking mga kalarong kapitbahay na nagtatampisaw sa ulan at mga eksenang habulan na halos magkandalag-lag na ang aming mga salawal at pagkatapos ay tutungo sa irigasyon at duo’y magpakalunod sa sobrang tuwa sa walang kapagurang paglangoy hanggang sa kami ay mapalo ng aming nanay dahil sa napakadelikado ng aming ginagawa.
Nang ako naman ay lumaki na at napuntang syudad. Gusto ko din ang naulan kasi para mabawasan man lamang ang init ng panahon. Lalo na kung ito ay buwan ng Abril at Mayo. Inay ko po talaga! Wish ko lang talaga, umulan araw-araw. Sa panahon din ng tag-ulan, lagi ay may exciting na pakiramdam sa aking sarili. Sa wakas kasi ay maisusuot ko na yung jacket ko at magagamit na si payong (lalo na kung bago ito) hehe.
Napakasimple at mababaw lang talaga ang aking mga dahilan kung bakit gusto ko ang panahong maulan. Lahat ay makasariling interes. Hanggang sa mapadpad ako sa isang malayong baryo sa isang malayong probinsya at nakausap ko ang mga magsasaka. Napagtanto ko, may mas malalim pa palang dahilan kung bakit type din ng ibang tao, lalo ng mga magsasaka partikular sa baryong iyon ang ulan.
Noong nakasama ko kasi sila ay panahon ng tag-tuyot. Napaka-init talaga. At minsan sa aming kwentuhan tungkol sa buhay-buhay nila bilang magsasaka ay madalas nilang sambitin na sana’y bumuhos na si ulan. Natuwa ako, oo nga, para naman lumamig ang panahon. Naalala ko tuloy ang mga eksena sa aking buhay tuwing umuulan. Pero nang tapusin ni Manong magsasaka ang kanyang litanya ay napahiya ako sa aking sarili. Malalim pala ang pinagmumulan ng kanilang simpleng pangarap.
Wala palang irigasyon o kaya ay kahit simpleng patubig project man lamang sa baryo na makakatulong sa kanilang munting mga sakahan.
Na bagamat may mga falls naman o balon na pwedeng source ng tubig, ang problema ay walang pondo ang mga magsasaka para ipagawa ito. Hindi rin daw nila naaasahan ang matataas na opisyal ng bayan na tumugon sa kanilang problema sa patubig. At dahil may ganitong frustrations na ang mga magsasaka, nagkakasya na lamang sila sa biyayang dulot ng buhos ng ulan.
Sa mga sandaling iyon, naglaro na sa aking imahinasyon kung ano ang magiging kalagayan ng mga magsasaka sa panahong kahit ang ulan ay naging maramot sa kanila. Ilang buwan ang kanilang titiisin na walang pagkain at walang trabaho, walang kabuhayan.
Napakalawak ng lugar. Nakatiwangwang ang mga bukiring hindi mabungkal ng mga magsasaka dahil sa sobrang pagkatuyot. Hindi rin nila mataniman ng palay na syang pangunahing ikinabubuhay nila. Paano na ang pamilya ng mga magsasakang pilit na itinatawid ang buhay sa isang sitwasyong labis ang kasalatan at walang kabuhayang mapagkunan.
Hindi ko maiwasang magalit dahil sa kanilang kalagayan. Magalit at kamuhian ang mga nasa poder na walang habas kung maglustay ng salapi ng bayan samantalang ang mga magsasaka sa baryong iyon ay naghihikahos na ang tanging nais lamang ay magkaroon ng patubig sa kanilang lugar, mataniman ang mga sakahan at mapaunlad ang produksyon para na rin sa kanilang pagkain sa araw-araw.
Sa pag-usad ng mga araw na ako’y nasa kanilang baryo. Sa wakas ay bumuhos ang ulan. Nakakatuwang maging saksi sa kasiyahan at pag-asang nakita ko sa bawat mukha nang magsasakaka. Parang, sa wakas, dumating din ang araw ng matagal ng pinakahihintay. Napuno ng tubig ang mga sakahan, lumambot ang lupa at pwede nang bungkalin. Tulung-tulong ang mag-anak sa gawaing bukid. Mabilisan ang trabaho pero pulido. Walang aksayang panahon. Nataniman na rin ang mga nakatiwang-wang na bukirin. Buhay uli at napakagandang tingnan ang kulay luntiang dahon ng mga ito at ilang buwan na lang ang aantayin ay maaari nang anihin.
Sa ngayon, sa bawat pagdilim ng kalangitan at tila nag-aamba ng pagbuhos ng ulan ay agad silang sumasagi sa aking kaisipan. Sana’y umabot din ang ulan sa kanilang baryo. Para sa mga magsasakang kinalimutan na nang pamahalaang ito. Para sa mga magsasakang higit na umaasa sa kanilang sariling pagpupunyagi para sa pagbangon mula sa pagkalugmok.
Sa totoo lang, miss ko na sila!

Defense Language Institute
1600 Wilson Boulevard, Suite 1030
Arlington, VA, 22209
p. 1.703.243.7858 / f.1.703.243.0761
_______________________________________________________________________
December 11, 2008
Dear Hitabu:
We are writing to ask for permission to use your blogs you have uploaded on http://www.wordpress.com in the production of Tagalog language-teaching materials for non-profit educational use.
We are developers of foreign language training materials for learners of various
languages at academic institutions and for employees of the U.S. government. We would
like to include your blogs available on-line from your http://www.wordpress.com site in our lesson units for print and on-line publication. These materials would represent only incidental parts of our work.
We will include the appropriate copyright notice: “Courtesy of: HITABU (www.wordpress.com)” in the acknowledgment section of our language-teaching materials and related documentation.
These materials will be used for non-profit educational purposes only. They will not be made available for commercial use. We would appreciate a written authorization by email, fax, or letter from you, allowing us to use your materials in this manner. Please send your response to:
1) by email: Attn: Gaizel H. Lejano
gaizelhl@washlangctr.com
2) by fax: Attn: Gaizel H. Lejano
fax # 1-703- 243-0761
3) by post : Gaizel H. Lejano
1600 Wilson Blvd., Suite 1030
Arlington, VA 22209
Please feel free to contact me for any questions you may have. Thank you for your time and consideration on this matter. We look forward to hearing from you.
Sincerely,
Gaizel H. Lejano
Subject Matter Expert
Dear Hitabu,
I would just like to follow-up our request in regards to the copyright permission.
We are hoping for your positive response about this matter.
Thank you so much.
Mabuhay po kayo.
Respectfully yours,
Gaizel H. Lejano
(mrsghlejano@yahoo.com)