Usapang Bigas!
Usap-usapan ang nakaambang shortage sa bigas sa bansa. Siempre, dagdag pahirap ito kay Juan dela Cruz.
Siempre, kakaiba talaga ang mga reaksyon ng nasa pamahalaan. Nariyang, mag half rice na lang daw ang mga tao pag kakain sa mga fast food. At mukhang pinatuluan ito ng ilang mga fast food chain. At ang isa pang reaksyon eh wag daw mag-alala ang mamamayan kasi titiyakin naman ng pamahalaan na matutugunan ang problema. May sagot naman daw sa problemang iyan. IMPORTASYON!
Nariyan naman daw ang Vietnam at Thailand na handang mag-export sa atin ng bigas. Ayon nga sa huling balita eh halos 400 thousand million tons ng bigas ang aangkatin natin sa Vietnam. Okei naman daw ito. Yun nga lang mejo tataas daw ang presyo ng bilihan ng bigas.
Nakakainis! Kung babalikan mo nga naman, mula sa pagiging top producing country ng bigas eh naging top importing country na tayo. Hay naku!
Ayon nga sa data mula sa National Food Authority. Mula 1984 hanggang 1994 o bago naging member ang bansa sa World Trade Organization eh nakapag-import na tayo ng halos 152 thousand metric tons ng bigas. At lalo itong lumala ng pumasok pa ang bansa sa WTO. Umabot kasi ng higit 1 million metric tons ng bigas (annual average) ang inangkat ng bansa kung saan umabot ang pagtaas ng 587%.
Siempre yung policy ng trade liberalization o yung pagtanggal ng pamahalaan doon sa mga patakaran gaya ng pagtakda kung ilang tons lang ng bigas ang pwedeng ipasok sa bansa at siempre yung pagpataw ng buwis sa mga imported na bigas na pumapasok sa bansa. Lahat ng mga ito ay tinanggal ng pamahalaan.
Kaya ang labas, maliit na nga ang produksyon ng ating sakahan tapos nagdagsaan pa sa merkado ang sangkatutak na bigas mula sa ibang bansa eh talo talaga ang mga magsasaka sa bansa.
Sa sitwasyon kasi ngayon, kaya may shortage eh dahil hindi sapat ang produksyon ng mga magsasaka para tugunan yung pangangailangan sa bigas ng mga mamamayang Pilipino. Hindi sapat ang produksyon kasi naman napaka-backward pa rin ng paraan ng pagsasaka sa bansa. Kasi naman sa halip na tutukan ng pamahalaan ang higit pang pagpapaunlad doon sa mga sakahan, mula sana sa pagpapagawa ng mga irigasyon, pagpapaunlad ng mga kagamitan pansaka at pagprioritize ng mga malawak pang lupain na pwedeng sakahin.
Pero hindi. Land conversion ang sagot ng pamahalaan. Tipong sa halip na taniman ng palay eh gawin nyo na lang taniman ng tuba-tuba. Eh hindi naman nakakain ng magsasaka ito. Ang nakikinabang lang ay malalaking korporasyon. Pinabayaan na sila ng gubyerno. Sa halip na inaalalayan sila at talagang dapat sana ay may matinong ayuda para sa pagpapalago pa ng sakahan sa bansa.
Kawawa talaga ang magsasaka. Ang kalabasan kasi eh sila ang nagsasaka, nagpo-produce ng palay pero sa huli sila ang hindi makabili ng bigas.
Naisip ko tuloy, paano na lang ang mga magsasaka sa malayong lugar. Yung pinabayaan na talaga ng pamahalaan. Ito yung mga lugar na hanggang first cropping lang. Pero ang malupit, nakasalalay pa ito sa ulan. Yun na kasi yung pantubig nila sa sakahan. Paano walang irigasyon. Sayang, yung nakulimbat sana ni Joc Joc Bulante ng DA eh sana malaking pera na iyon para sana sa irrigation project sa magsasaka.
Hay naku! paano kaya kung hindi naulan. Kahabag-habag talaga! Gutom ang mga magsasaka.

Can I use the photo of the farmer on a website I’m working on?